Isa pang South African variant case sa Pasay City, natukoy na

Sumampa na sa apat ang local case ng South African variant sa Pasay City.

Ayon kay Department of Health – Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, ang bagong natukoy na local case ng nasabing variant sa Pasay ay isang 40 taong gulang na babae.

Aniya, iniimbestigahan pa kung magkakaugnay sa isa’t isa ang mga kaso sa lungsod at inaalam na rin kung may international travel o significant travel history ang mga ito.


Inaalam na rin ng Pasay City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) kung may local transmission na ng South African variant sa lungsod.

Batay sa tala ng DOH, umabot sa anim ang natukoy na South African variant case sa bansa habang 30 ang nagpositibo sa UK variant at dalawa ang nakitaan ng mutation of interest.

Facebook Comments