ISA PANG SUSPEK SA ENGKWENTRO SA RAMON, ISABELA PUMANAW NA!

Ramon, Isabela – Pumanaw na ang isa pang sugatang suspek sa nangyaring engkwentro sa Ramon, Isabela kahapon ng hapon.

Sa pinakahuling impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan City, pumanaw na kagabi habang ginagamot sa hospital si Alden Francis Regundique. Matatandaang dead on the spot sa engkwentro dakong alas kwatro kahapon sa Brgy. Turod Bugallon ng nasabing bayan, ang isa sa mga suspek na nakilala lamang sa pangalang Cris.

Sa ulat ng PNP Ramon si Edmar de Castro, 32 at may asawa na sinasabing sugatan kagabi at si Regundiqui ay iisang tao. Patuloy ang imbestigasyong isinasagawa ng PNP Ramon para sa tunay na pagkakakilanlan ng mga suspek matapos mapag alamang hindi tugma ang mga nauna nilang pangalan. Si Regundiqui mismo ayon sa mga pulis ang nagsabi na Edmar de Castro ang kanyang pangalan bago ito bawian ng buhay.

Kahapon, Sinubukang pigilan ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek mula Tuguegarao City, ngunit hindi huminto bagkus ay pinaputukan ang tropa ng PNP at dito nagsimula ang engkwentro. Habang nagpapalitan ng putok, sinikap ng mga holdupper na tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. San Miguel, Ramon ngunit hindi sila nilubayan ng mga pulis na nagresulta ng pagka huli ng dalawa habang tinutugis ang isa pa.

Unang napag alaman na nagsagawa ang hold up ang grupo ng mga kawatan sa Tuguegarao City. Tinutukan ng mga kawatan ang isang Ginang sa sa harap mismo ng Tuguegarao Cathedral. Binasag pa umano ng mga ito ang sasakyan ng Ginang bago tumakas sakay ng pulang Toyota Innova.

Si Jayson Saringan na isa sa mga suspek ay nasa kustodiya ng PNP samantalang patuloy paring tinutugis ang isa pang kasamahan ng mga ito.
Nare cover sa grupo ng holdaper ang kulay pulang Toyota Innova na may contraction sticker na YUO 778, isang M16 armalite A riffle na may serial number 793985, pistol, mga radyo, bag at ilan pang mahahalang ebidensya. Buong kapulisan ngayon dito sa Isabela ay nakaalerto at patuloy na tinutugis ang nakatakas na isa pang suspek.

Samantalang nakatakdang magsagawa ng presscon ang PNP Region 2 sa pangunguna ng kanilang pinuno na si P/Brigadier General Jose Mario Espino sa PNP Ramon, Isabela..

tag: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP Ramon, IPPO, engkwentro, pnp region 2, P/Brigadier General Jose Mario Espino

Facebook Comments