Isa pang suspek sa Pagsunog ng 2 VCM sa Jones, Isabela, Hawak na ng PNP!

*Jones, Isabela-* Sa patuloy na hot pursuit operation ng mga otoridad ay nahuli rin pasado alas nuebe kaninang umaga ang isa pang suspek sa panununog ng dalawang Vote Counting Machine (VCM) at mga balota partikular sa Manayao Hill, Brgy Sta. Isabel, Jones, Isabela noong martes ng umaga, May 14, 2019.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), itinurn-over ng dalawang barangay officials na sina Alberto Plaida Jr. at Randy Resurreccion sa mga otoridad ang isa pang suspek na kusa rin sumuko na kinilalang si Jayson Leano, 27 anyos, may-asawa, magsasaka na pawang mga residente ng Brgy. Sta. Isabel, Jones, Isabela.

Kasunod ito ng pagsuko ni Rodel Pascual na residente rin ng naturang lugar na kabilang sa pitong suspek na nanunog sa mga VCM at balota sa Jones.


Inihahanda na ng PNP Jones ang kaukulang kasong na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments