Isa pang witness sa pagkamatay ng lalaking may autism sa Valenzuela City, lumutang sa PNP

88

Isa pang witness sa kaso ng pagkamatay ng 18-anyos na lalaking may autism sa Valenzuela City ang lumutang sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, isa ang witness sa mga indibidwal na sinermunan ng mga pulis at kasama ni Edwin Arnigo dahil sa pagsasagawa ng iligal na sabong


Nananatili naman ito sa kustodiya ng PNP para sa pangangalap ng mahahalagang impormasyon sa insidente.

Paglilinaw pa ni Eleazar, iba pa ang sumukong witness sa una nang nagtungong saksi kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na nagsabing ‘aksidente’ lamang ang pagkakabaril kay Arnigo.

Sa ngayon, nagpahayag na ng pakikiisa ang PNP sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan aabot sa apat na pulis ang sangkot na nasa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments