PNP, nanawagan sa publikong hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng lalaking may autism sa Valenzuela City

292

Nanawagan ng pakikiisa sa publiko si Philippine National Police (PNP) Chief of Police General Guillermo Eleazar para sa resulta ng isinagawang hiwalay na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa pagkamatay ng 18-anyos na lalaking may autism sa Valenzuela City.

Kasunod ito ng inilabas na pahayag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na batay sa witness na nagtugno sa kanila ay hindi nang-agaw ng baril si Arnigo.


Ayon kay Eleazar, ayaw niyang pangunahan ang imbestigasyon ng NBI at PNP-IAS.

Pinasalamatan naman ni Eleazar ang dalawang witness na tumulong sa imbestigasyon para malutas ang kaso.

Facebook Comments