Isa patay, 4 sugatan nang magkasagupa ang dati at mga kasalukuyang mga miyembro ng MILF sa Mamasapano, Maguindanao

191

Nasawi ang isang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, sugatan naman ang tatlo pa habang isa ang sugatan sa panig ng kasalukuyang miyembro ng MILF nang magkasagupa ang kanilang mga grupo sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., WestMinCom Commander, ang nasawi at tatlong sugatan ay mga tauhan ni Salik Kiko na dating miyembro ng 118th Base Command ng MILF habang ang isang sugatan ay tauhan ni Ben Tikaw, kasalukuyang miyembro ng 105th Base Command ng MILF.

Nagtagal ng anim na oras ang palitan ng putok ng dalawang grupo dahilan ng pagkasawi ng isa at apat ang sugatan.

Ayon kay Vinluan, sa ngayon ay nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon para matukoy ang dahilan nang sagupaan ng dalawang grupo.

Ayon naman kay Maj. Gen. Juvymax Uy, Joint Task Force Central Commander, ideneploy na nila ang tropa ng 33rd Infantry Battalion sa lugar para i-monitor ang kasalukuyang sitwasyon at makipag-ugnayan na rin sa Local Government Unit at local police.

May inilatag na ring checkpoint sa provincial roads sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao ang militar para mapigilan ang spill over ng sagupaan ng dalawang grupo lalo na sa mga matataong lugar.

Facebook Comments