Isa patay, anim sugatan sa shooting incident sa isang hospital sa New York

91

New York City – Patay ang isang babae habang anim ang sugatan sa shooting incident sa Bronx-Lebanon Hospital Center sa New York.

Inihayag ng alkalde ng New York na si Bill De Blasio na hindi terorist attack ang nangyaring shooting insidente.

Kinilala ang suspek na si Dr. Henry Bello, empleyado ng nasabing ospital.


Nagulat na lamang ang mga empleyado ng ospital sa pag-atake ng suspek na nakasuot pa ng lab coat at armado ng assault rifle kung saan walang habas nitong pinagbabaril ang mga biktima sa 16th at 17th floor ng gusali.

Natagpuan ng mga awtoridad na wala ng buhay ang suspek sa ika-17th floor na ospital na sinasabing nagbaril ng kanyang sarili.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring shooting incident.



Facebook Comments