Isa patay apat sugatan matapos araruhin ng SUV ang apat na motorsiklo

15

[image: ROAD ACCIDENT.jpg]
Isang motorcycle rider ang napatay habang apat ang sugatan kinabibilangan ng iba pang tatlong motorcycle riders kasali ang drayber ng isang SUV matapos ararohin nito ang mga biktima sa isang daan madaling araw nitong Sabado.

Kinilala sa traffic investigation ng Gensan Police Headquarters ang napatay na si Ingkong Yumang nasa hustong gulang matapos mabagok ang ulo nito sa sementong daan dahil sa disgrasya habang sugatan naman ang iba pang biktima kinilala sa mga pangalang John Mark Salinas, Johnrie Lagidong at Crisanto Darago gayundin ang drayber ng isang Mitsubishi Montero na si Russel Amfer parehong mga nasa hustong gulang.

Ayun kay Darugo binabaybay nila ng kanyang kaibigan na si Yumang ang NLSA Road gayund din ang iba pang mga biktima nang biglang gumewang sa pagmaneho ang drayber ng SUV na si Amfer at bigla silang sinalpok mula sa likurang bahagi ng kotse matapos mawalan ng preno.

Tumilapon sa kanilang mga sinasakyang motorsiklo ang mga biktima at parehong nagtamo ng mga sugat, galos at pananakit ng kanilang mga katawan habang napurohan naman si Yumang dahil sa lakas ng pagkasalpok nito.

Nasa lokal na punerarya na ngayo ang bangkay ng motorist habang nagpapagaling pa ang mga sugatan sa insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Traffic Management Unit ng pulisya ang nasabing aksidente.

Facebook Comments