Isa, patay habang 13 sugatan sa banggaan ng van at SUV sa SCTEX

468

Mabalacat, Pampanga – Dead on arrival ang babaeng isinugod sa ospital kasama ang 13 sugatan na sakay ng van na bumangga sa SUV sa northbound lane ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa bahagi ng Mabalacat, Pampanga kahapon.

Ayon sa inisyal na report ng Mabalacat Police, tatabi sana sa emergency lane ng SCTEX ang SUV ni Melecio Torio, residente ng Isabela, nang salpukin ito sa likuran ng van na minamaneho ng isang Randy Javier ng Valenzuela City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay dumiretso ang SUV sa damuhan habang nawasak naman ang unang bahagi ng van.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property ang isinampa laban sa driver ng van.

Facebook Comments