Isa patay, habang isa pa ang sugatan sa pamamaril sa lungsod ng Muntinlupa City

35

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isang babae matapos pagbabarilin sa Muntinlupa City.
Kinilala ni Police Chief Insp. Reynaldo Marcella, Jr. ang nasawi na si Danilo Marcellana habang ginagamot naman sa ospital si Miriam Forbes, kapwa residente sa nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang mga biktma pasado alas-singko ng hapon sa Magnetic Creek Side sa Brgy. Poblacion nang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin at saka pinagbabaril.
Apat na tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang tinamo ni Marcellana sa kanyang ulo na agad niyang ikinasawi habang tinamaan sa tiyan si Forbes.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Facebook Comments