Japanese National at isang pinoy, sugatan sa ambush sa lungsod ng Maynila

249

Manila, Philippines – Iniimbistigahan pa rin ng Manila Police District ang pananambang sa isang Japanese national na ikinasugat  rin ng isang Pinoy sa lungsod ng Maynila.
Dead on the spot si Mizuno Seiki, 48-anyos, habang nasugatan naman sa ulo John Desbarro.
Batay sa salaysay ng driver ng van na si Roland Singsing,katatapos lang nilang kumain sa Harbor View at pauwi na sa hotel sa Pasay City nang abangan at sabayan sila ng riding-in-tandem na kapwa nakasuot ng t-shirt,shorts at sumbrero sa southbound lane ng Roxas Blvd. malapit sa panulukan ng Pedro Gil St. sa Maynila.
Nakaligtas sa pananambang ang tatlo pang Japanese nasakay ng kulay puting van na may plakang UHQ 319.
Sa inisyal na imbestigasyon, unang pinagbabaril ang driver side at umikot sa likod ang mga suspek papunta sa passenger side kung saan nabasag ang mga salamin ng van at nayupi rin ang unahang kanang bahagi dahil bumangga ito sa van sa unahan.

Facebook Comments