Sulu, Philippines – Kinilala na ang mga sundalong namatay at nasugatan sa ambush kahapon sa Barangay Tanduh Bagua Patikul lalawigan ng Sulu.
Patay ang sundalong si Cpl. Julhari, habang ang sampung sugatan na sina Sgt. Lagutin, Cpl. Yahcob , Cpl. Berioso, Cpl. Dandoh, Cpl. Polotan, Cpl. Kasal, Cpl. Campion , Cpl. Antipolo, Pvt. Lacierda at Pvt. Ando pawang mga kasapi ng alpha company ng 10th Infantry Battalion na mnaka-base sa barangay Buhanginan, Patikul na nasa ilalim ng 1st Infantry (Tabak) Division ng Philippine Army .
Matatandaan nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo na may presensya ng bandidong grupong Abu Sayyaf na dala ang kanilang mga bihag.
Ayon sa tagapagsalita ng Western Mindanao Command Captain Jo-Ann Petinglay alas-5:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente ito’y matapos ratratan ng bandido ang mga sundalo na humantong sa engkuwentro.
Sinabi ni Petinglay na namatay ang isa sa mga sundalo habang nilalapatan ng lunas sa hospital, dumating na rin sa lungsod ng Zamboanga particular sa Camp Navarro General Hospital sa Wesmincom ang tatlong sundalo na medyo grabe ang kondisyon .
DZXL558, Melanie Guanzon