Kalinga- Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng 50th IB sa ilalim ng 503rd Infantry Brigade matapos ang panghaharas ng mga New Peoples Army (NPA) sa Cafgu Detachment sa Lower Uma, Lubuagan, Kalinga.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Col. Henry Doyaoen, ang Officer in Charge ng 503rd Infantry Brigade ay inihayag nito na isa umano ang patay habang tatlo ang sugatan sa panig ng mga Civilian Volunteer na miyembro ng Cafgu sa naganap na pangreraid ng NPA.
Aniya, alas singko umano ng umaga kahapon ng maganap ang panloloob ng mga armadong NPA sa detachment ng Cafgu sa nabanggit na lugar.
Ayon pa kay Col. Doyaoen ay isa din umano sa panig ng NPA ang nasawi kung saan ay mayroon pang narekober na m16 riffle sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Samantala, sa ngayon ay lalo pa aniya nilang pinaiigting ang kanilang ginagawang pagbabantay upang matiyak ang kapayapaan sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.