Isa Patay, Isa Sugatan sa Pamamaril sa Lungsod ng Ilagan!

*Ilagan City, Isabela- *Patay ang isang lalaki habang isa ang sugatan sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa pambansang lansangan ng Brgy. Bagong Silang, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Gilbert Eugenio, 32 anyos, may asawa habang sugatan ang kasama nito na driver ng motorsiklo na si Leonardo Paulo, 26 anyos, may asawa, construction worker at kapwa residente ng Brgy. Bagong Silang, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, patungong Brgy. Bagong Silang ang dalawang biktima lulan ng motorsiklo at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek na nakasuot ng sombrero at maroon na jacket ang dalawang biktima.


Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa bahaging likuran si Leonardo habang na puruhan naman sa leeg at hita si Eugenio.

Isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima para sa kanilang karampatang lunas subalit binawian din ng buhay si Gilbert Eugenio.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Ilagan hinggil sa naturang pamamaril.

Facebook Comments