Isa patay at lima naman ang sugatan sa nasunog na bahay na pagmamay-ari ni Amador Fano sa Purok Merkado, Brgy. Poblacion Norala, South Cotabato, alas 5:30 kaninang umaga.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Angel “Nono” Fano na hindi na nakalabas matapos bumalik sa loob ng nasunog na bahay.
Kinumpirma ni Fire Inspector Richard Madayag, firemarshall ng Bureau of Fire Norala na nagtamo lamang ng minor injuries ang limang sugatan na nakatira sa nasabing bahay.
Batay sa kanilang imbestigasyon nagmula ang apoy sa kisame ng bahay at mabilis na kumalat ayon sa kanya dahil gawa ito sa light materials.
Umaabot naman sa inisyal na P300k ang pinsalang dulot ng sunog, ngunit hinihintay pa nila ayon kay Fire Inspector Madayag ang deklarasyon ng pamilya dahil kasama din sa nasunog ang 2 unit ng harvester, 1 elf truck , 1 brand new Toyota vios at tarpaulin printer.
Dahil sa electrical wiring naman ang tinitingnan ng Bureau of Fire Norala na pinagmulan ng apoy.
Naapula naman ang apoy bandang alas-8:20 na kaninang umaga kung saan umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
credit to the owner
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Isa patay, lima sugatan sa nasunog na ancestral house sa Norala, South Cotabato.
Facebook Comments