Isa, patay sa engkwentro ng mga militar at rebeldeng NPA sa Bataan

Patay ang isang myembro ng isang rebeldeng grupo sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at Sandatahang Yunit Propaganda sa Sitio Pintong Bakal, Brgy. Pinulot, Dinalupihan, Bataan.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Dinalupihan PNP, isa ang killed in action sa panig ng mga rebelde at hindi pa nakikilala sa ngayon habang wala namang casualty sa panig ng tropa ng gobyerno na pinagsanib na pwersa ng pulis at AFP.

Ayon kay Dinalupihan PNP chief, Police Lt. Col. Emelito Dela Cruz, nakuha sa encounter site ang isang long firearm, isang handheld radio at isang bandolier.


Tinatayang nasa 20 myembro ng SYP Platoon ng Komiteng Larangang Gerilya KLG West South Party Committee (SPC) ang naka engkwentro ng 21 myembro ng strategic air command ng AFP habang nagsilbing blocking force ang PNP 21st Special Action Company.

Facebook Comments