Kinilala ang suspek na nakabangga at drayber ng Ford Ranger na si Shelly Faith Layugan, 25-taong gulang, walang asawa, engineer assistant, at residente ng Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Habang ang biktima naman na lulan ng Yamaha Mio ay kinilalang si Manuel Tolentino, 21-taong gulang, binata, at residente ng Barangay, San Fermin, Cauayan City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan Police, bandang 9:45 nitong araw ng lunes nang mangyari ang insidente.
Paliko umano si Layugan papasok sa Canciller Avenue nang bigla nitong masalpuk ang paparating na motorsiklong minamaneho noon ni Tolentino.
Agad namang isinugod sa pinaka malapit na pagamutan si Tolentino matapos itong magtamo ng ilang malalaking sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Sa kasamaang palad ay idineklara rin itong dead on arrival habang nasa pagamutan.
Posible namang maharap ngayon si Layugan sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Properties.