Isa patay, tatlo sugatan matapos magtagaan

New Washington, Aklan – Isa ang patay at tatlo ang sugatan matapos na magtagaan ang apat na kalalakihan kaninang madaling araw sa Sitio Tabiling, Brgy. Mataphao, New Washington, Aklan.
Nakilala ang namatay na si Carlo John Zaldivia Relano, alyas “Totong”, 37-anyos tubong Guadalupe, Libacao at presenting nakatira sa Brgy. Mataphao.
Habang ang mga sugatan ay kinilala na sina Jurito Zolina, 24-anyos na tubong Libacao din at ang mag-amang sina Ronnie Rebugbog Morales, 60-anyos at Romel Relojo Morales, 38-anyos parehong residente ng Sitio Tabiling.
Sa panayam ng News Team kay Roselyn Morales, asawa ni Romel na kagabi ay nagvivideoke at nag iinuman itong biktima at ang bayaw nito na inabot na ng madaling araw bago pinatay.
Nang matapos na ay narining lamang nila si Carlo John na nagsisigaw sa may gate ng kanilang baya na ‘labas, patayan kung patayan’.
Pinuntahan ito ni Ronnie sa may gate at agad syang sinampal ni Carlo John na dahilan ng kanyang pagkatumba.
Sinundan rin ito ni Romel pero agad rin syang tinaga ni Carlo John na tinamaan sa may mata at doon na nagsimula ang rambol.
Samantala, base naman sa pamilya ni Carlo John ay ang mag-ama ang sumugod doon at kinumpronta dahil sa malakas umano ang videoke nito hanggang sa ang komprontasyon ay nauwi rin sa tagaan.
Matapos ang tagaan ay agad dinala sa hospital silang lahat pero hindi na umabot ng buhay si Carlo John samantalang sina Jurito, Ronnie at Romel ay patuloy na ginagamot o naka hospital arrest.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng New Washington PNP para malaman kung ano ang motibo at dahilan ng nasabing insidente.

Facebook Comments