Isa sa 48 na Dalian train, bibiyahe na ngayong araw

Simula ngayong araw ay bibiyahe na sa MRT-3 ang isa sa 48 nakatenggang Dalian train na binili noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang inanunsyo ng MRT-3 management kasunod ng pinirmahang consent o pagpayag ng Japanese maintenance provider na Sumitomo Corporation-Mitsubishi Heavy Industries – TES Philippines.

Pero ayon sa MRT-3, limitado muna ang paggamit sa Dalian train na papasok lamang sa mainline ng tren mamayang gabi, sa panahon ng off-peak hours mula 8:30 PM hanggang 10:30 PM.


Matatandaang una nang sumailalim sa commissioning at validation tests run ang tatlong set ng Dalian train na mayroong siyam na coaches.

Naniniwala ang pamunuan ng MRT-3 na kahit papaano ay makakatulong ang paggamit ng Dalian train para sa mas mabilis na pagsakay ng daan-daang libong mga commuters ng tren sa araw-araw.

Facebook Comments