Isa sa 9 na pulis na sa sangkot sa shooting incident sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 4 na sundalo nagpositive sa COVID -19 rapid test

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na nagpositibo sa COVID-19 rapid test ang isa sa 9 na pulis na sangkot sa shooting incident sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 4 na sundalo.

Ayon kay Gamboa, nitong Biyernes, ihaharap sana kay Pangulong Rodrigo Duterte ang siyam na pulis upang personal na matanong ng Pangulo sa nangyari sa shooting incident pero hindi natuloy matapos na magpositive sa rapid test ang isa sa kanila.

Isasalang naman ito sa confirmatory test o Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test at kapag nagnegatibo ay iba byahe patungo sa Camp Crame.


Inaasahan naman na ngayong linggo ay makakarating sa Camp Crame ang siyam kasama si PNP BARRM Regional Director BGen. Manuel Abu.

Sa ngayon, sinabi ni Gamboa na hihintayin muna nilang matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) bago simulan ang pagdinig para naman sa kasong administratibo laban sa siyam na pulis.

Facebook Comments