Isa sa apat na hinatulan sa kasong inihain ni Vhong Navarro, nananatiling at-large; Bureau of Immigration, mahigpit na nakabantay sa posibleng paglabas ng bansa

Nagbabala ang Bureau of Immigration kay Ferdinand Guerrero na hindi na ito makaka-biyahe pa dahil sa active alert list order at immigration lookout bulletin laban sa kaniya.

Si Guerrero ay isa sa apat na hinatulang guilty ng Taguig Regional Trial Court sa kasong illegal detention na inihain ni Vhong Navarro noong 2014.

Sa ngayon, siya na lamang ang natitirang hindi pa nakakulong matapos sumuko sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Simeon Raz.


Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sakaling magtangka si Guerrero na tumakas at dumaan sa mga Paliparan ay agad itong aarestuhin dahil nakalista na ang kaniyang pangalan sa records.

Sa ngayon, nagpadala na ng tracker team para isilbi ang arrest warrant kay Guerrero sa kaniyang address sa Makati City.

Facebook Comments