Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na patuloy ang pagbuntot ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) sa gitna ng kanilang paglalayag sa West Philippine Sea.
Sa pinakahuling update ng PCG, dalawang barko ng China Coast Guard at isang barko ng Chinese Navy ang namataan sa bisinidad kaninang alas-diyes ng umaga.
Sa ngayon, pabalik na sa Subic, Zambales ang isa sa barko ng PCG na nagbabantay sa Atin Ito Coalition convoy na nagtungo sa Bajo de Masinloc.
Sa pinakahuling ulat ng PCG, umalis ang BRP Bagacay sa Magalawa Island bago mag-alas onse ng umaga.
Pero patuloy na bumubuntot ang barko ng Chinese Coast Guard vessel na may layong nasa isang kilometro lamang.
Bago magtanghali naman nang saglit na tumigil ang apat na barko na kalahok sa Civilian Supply Mission para mag-alay ng panalangin.
Kaninang umaga nang makapaghatid ng mga langis at food packs ang Atin Ito sa mga mangingisda sa Panatag Shoal matapos matagumpay na makalagpas sa mga tauhan ng CCG.