Isa sa bomber sa kambal na pagsabog sa isang military camp sa Indanan, Sulu kinilala na

Kinilala na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa sa bomber sa nangyaring kambal na pagsabog sa  kampo ng 1st brigade combat team sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Major Gen Cirilito Sobejana, ang bomber ay kinilalang si Norman Lasuca 23-anyos.

Aniya kinilala ito ng kanyang mismong ina na nagpakilalang si Vilma Lasuca at kapatid nitong si Alhussin Lasuca.


Kanina ibinigay na ang parte ng katawan ng bomber sa ina.

Sinabi ni Sobejana ang bomber ay pinanganak sa Barangay Astorias, Jolo, Sulu na umalis sa Sulu taong 2014 at ngayon lamang siya nakita nang kanyang ina at kapatid.

Pero sinabi naman ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na hindi ibig sabihin na ibinigay nila ang parte ng katawan sa nagpakilalang ina ay kumpirmadong Pinoy ang bomber.

Kailangan pa aniya isailalim sa DNA testing ang DNA sample na nakuha mulan sa parte ng katawan ng bomber at sa nagpakilalanng ina para matukoy kung Pinoy ang bomber.

Ibinigay lamang daw nila ang parte ng katawan sa nagpakilalang ina para sa humanitarian consideration.

Facebook Comments