Isa sa dalawang holdaper, nakipagbarilan sa mga pulis patay sa QC

50

Manila, Philippines – Patay ang isang hindi nakilalangholdaper, habang nakatakas ang isa pa lulan ng isang motorsiklo, matapos namanlaban sa mga awtoridad sa Westbound lane ng Commonwelth Avenue, Brgy. Holyspirit, Quezon City.
  Ayon kay QCPD District Director P/Chief Supt. GuillermoEleazar, nakatanggap sila ng Intel report na may planong mangholdap ng isangConvenience Store sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kayat kahapon pa nilabinabantayan ang naturang lugar.
  Ayon sa imbestigasyon ng pulisya  kanina, dakong alas dos ng madaling araw,hinoldap ng dalawang suspek ang gasoline station sa naturang lugar.
  Mabuti na lamang at may mga tauhan ng District SpecialOperation Unit ang nagpapatrolya sa Commonwealth Avenue at naaktuhan angpanghoholdap.
  Aarestuhin na sana ang mga  suspek pero nanlaban ang mga ito kayatgumanti rin ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang kamatayan ng isahabang nakatakas ang kasamahan nito.
  Nakuhanan ng CCTV ang nangyaring panghoholdap sa naturanggasoline station.
  Narekober sa napatay na holdaper ang 45 caliber atdalawang sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Facebook Comments