Magtataho, pinagbabaril patay sa QC

66

Manila, Philippines – Patay ang isang magtataho mataposna pagbabarilin ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo saBicol  Street Payatas -B Quezon  City.
  Kinilala ang biktima na nagtamo ng apat na tama ng balang baril sa ulo at katawan na si Arturo Dooc 45 anyos.
  Ayon kay alyas Len dating ka live-in partner ni Doocisang drug dealer o tulak ng ilegal na droga ang dating kinakasama.
  Bukod sa pambubugbog,to aniya ang dahilan kung bakit siyanakipaghiwalay tatlong taon na ang nakalilipas.
  Dagdag pa ni Len na dumating na sa punto na mismong saharapan pa ng kanilang mga anak nag-aabutan ng shabu at nagkakabayaran sakanyang ka-transaksyon.
  Batay sa imbestigasyon ng pulisya pasado alas onse nggabi kagabi nang sunod-sunod na paputukan ng baril ng mga suspek si Arturo habangbumibili ng pork barbeque Payatas -B Quezon City
  Tumakas ang mga hindi nakilalang suspek lulan ng dalawangmotorsiklo.
  Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa lugarpara makilala at maaresto ang mga salarin.

Facebook Comments