Maconacon, Isabela – Patay na ang isa sa dalawang katao na sinunog ng buhay matapos na nagtamo ng 3rd. degree burns sa katawan sa kabila na nilapatan ng paunang lunas ng Rural Health Unit sa Maconacon, Isabela.
Ito ang kinumpirma ni Police Senior Inspector Val Simangan, hepe ng Maconacon Police Station sa panayam ng RMN Cauayan.
Aniya, binawiian ng buhay si Fernando Sesuca na isang indigenous people o dumagat ng Barangay Dicatian, Divilacan, Isabela. Samantala ang kasama ni Sesuca na si Acorda Cortez ay dinala na sa isang pagamutan sa Tugeugarao City, Cagayan para sa kaukulang lunas dahil sa tinamong unang degree burns sa katawan.
Idinagdag pa ni Police Senior Inspector Simangan na inihahanda na sa ngayon ang mga dokumento para kasong Homicide at Attempted Homicide laban sa suspek na si Renato Castillejo ng Barangay Malasin, Maconacon, Isabela.
Matatandaan na muntik nang matusta ng buhay sina Fernando at Acorda matapos silaban ni Renato ng gasolina dahil sa panggugulo ng dalawang lasing sa ilang dumagat sa nasabing lugar.