Isa sa dalawang Korean national na nakatakas sa PNP detention cell sa Taguig City, patuloy na pinaghahanap

Target pa rin ngayon ng manhunt operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Southern Metro Manila ang isa sa dalawang Korean national na nakatakas nitong October 10, 2020 sa PNP detention cell sa Taguig.

Sa ulat ng PNP-CIDG, ang mga nakatakas na koreano ay kinilalang sina Hyeok Soo Kwon at Yeong Jun Lim.

Nakatakas ang dalawa nitong Sabado ng gabi matapos na magpaalaam sa duty jailer na gagamit lamang ng Comfort room ang isa dalawang koreano pero pagbukas ng detention cell ay pinagtulungan nilang binugbog ang duty jailer.


Agad ikinasa ang manhunt operation at nahuli si Kwon Nyeok Soon sa isang construction site sa Lawton Avenue, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City kamakalawa.

Habang sa ngayon patuloy na pinaghahanap ang isa pang koreano na si Yeong Jun Lim.

Ang dalawa ay may kasong telephone fraud at nasa listahan ng Red Notice ng International Police (Interpol).

Agad naman sinibak ang duty jailer at ngayon ay nasa restrictive custody matapos matakasan ng dalawang banyaga.

Facebook Comments