Isa sa dalawang operator ng mga palengke sa Maynila, nagbayad na ng milyun-milyong pisong utang sa Manila City Government

Isang tseke ang ibinigay ng XRC Mall Developers Inc sa Manila City Government para sa utang nitong buwis na nagkakahalaga ng 14.38-billion pesos.

 

Ang XRC ang operator ng Sta. Ana Market, San Andres Market, Sampaloc Market at Trabaho Market.

 

Ang hakbang ng XRC ay tugon sa pagbibigay sa kanila ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng 72-oras o tatlong araw para magbayad ng utang sa Pamahalaang Lokal ng Maynila.


 

Inaantabayanan naman kung kelan magbabayad ng utang na buwis sa lungsod ang Marketlife Management and Leasing Corporation na nagkahalaga ng 11.16- million pesos.

 

Ang Marketlife naman ang nagpapatakbo sa Quinta market.

 

Ayon kay Mayor Isko, simula noong 2017 ay hindi natupad ng dalawang market operators ang buwis na dapat nitong ibigay sa Manila City Government kada taon base sa kanilang joint venture agreement sa nakaraang Estrada administration.

Facebook Comments