Justice Sec. Guevarra, bukas sa lifestyle check sa cabinet members

Welcome para kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang hakbang ng Presidential Anti-Corruption Commission na isailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng gabinete.

 

Sinabi ni Guevarra na ganitong paraan, malilinawan ang tunay na integridad ng isang miyembro ng gabinete.

 

 

Nilinaw  naman ng kalihim na may mga miyembro ng gabinete ang sadyang mayaman na bago pa man pumasok sa gobyerno.


 

Kaya huwag anyang mabibigla kung makikita ito sa kanilang statement of assets, liabilities and networth, o sal-n.

 

Nauna rito, iniulat ng PACC na may 2 ng cabinet members ang kanilang iniimbestigahan dahil sa paniniwalang sangkot sa  korapsyon.

Facebook Comments