Isa sa infantry battalion ng Philippine Army, inilipat sa Samar mula sa Davao sa paghahanda sa eleksyon

Nilinaw ni 8th Infantry Division Commander MGen. Edgardo de Leon na kaya inilipat ang 3rd Infantry Battalion mula sa Davao sa Samar ay dahil bahagi ito ng paghahanda para sa eleksyon sa Mayo.

Ayon kay MGen. De Leon, siya mismo ang humiling ng karagdagang tropa dahil sa itinuturing na election hotspot ang Samar dahil sa nangyaring pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino noong Marso ng nakaraang taon.

Partikular aniyang tututukan ng 3rd Infantry Battalion ang pagbuwag sa mga private armed groups sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.


Ito aniya ay para hindi na magalaw ang deployment ng 10 battalion na kasalukuyang nakatutok sa mga teroristang komunista sa rehiyon.

Facebook Comments