Isa sa mga aplikante sa bakanteng posisyon sa Korte Suprema, umatras

Kinumpirma ng Korte Suprema na umatras na sa kanyang aplikasyon para sa bakanteng posisyon sa associate justice si Court of Appeals Associate Justice Stephen Cruz.

 

Hindi naman malinaw pa ang dahilan kung bakit umatras si Cruz.

 

Bunga nito, hindi na sumalang ngayong araw sa public interview ng Judicial and Bar Council si Cruz.


 

Sa ngayon, dalawampu’t tatlo na lamang ang aspirante sa babakantehing pwesto ni Associate Justice Mariano del Castillo.

 

Si Del Castillo ay magreretiro sa darating na July 29.

 

Ngayong araw din ang huling schedule ng public interview ng JBC sa mga aplikante sa Supreme Court Associate Justice post.

Facebook Comments