Manila, Philippines –Ipapadala ng Philippine Navy ang kanilang isa sa mga barko sa Malaysia.
Ito ay para makiisa sa gagawing Langkawi International Maritime at Aerospace Exhibition o LIMA 2017 na gaganapin sa March 21 hanggang March 25.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Lued Lincuna, alas nuwebe ng umaga bukas isasagawa ang sendoff ceremony para sa BRP Andres Bonifacio sa Pier 13, South Harbor, Manila.
Mismong pangungunahan ni Flag Officer in command, Vice Admiral Ronald Joseph S Mercado ang seremonya.
Dalawang daan at anim na miyembro ng Philippine Navy ang makikiisa sa LIMA 2017 na sila namang sakay ng BRP Andres Bonifacio.
Ang LIMA ayon kay Lincuna ay isa sa mahahalagang exhibitions sa Asya na ang pagsasanay ay nakatutok sa maritime at aerospace exhibition for defense, civil and commercial aviation, shipbuilding at ship repair.