Isa sa mga drug suspect na top priority ng Sampaloc Police, arestado sa Caloocan

61

Nadakip ng Manila Police District Station-4 o Sampaloc Police ang isa sa mga top priority drug suspect na matagal na nilang pinaghahanap.

Naaresto ang suspect na si Nathaniel Vegerano sa may bahagi ng 10th Avenue, Grace Park, Caloocan City.


Si Vegerano na residente ng Malamig Street sa Sampaloc ang isa sa itinuturing ng pulisya na kilabot na tulak ng ilegal na droga na nagsasagawa ng operasyon mula sa kaniyang lugar hanggang sa area ng Caloocan.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang at sinabing matagal na niyang itinigil ang pagbebenta ng droga kung saan gumagamit na lang daw siya nito paminsan-minsan.

Facebook Comments