Isa sa mga high value targets ng Capiz PNP, nahuli sa drug buy bust operation

Capiz, Philippines – Mahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang isa sa mga high value targets ng Capiz PNP.

Arestado sa isinagawang drug buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ang 26 anyos na lalake sa brgy. Tiza, Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Alvin Alejaga y Bautista residente ng nasabing lugar. Nakuha ng mga otoridad sa kamay ni alejaga ang apat na plastic sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa 35 libong piso, marked money at iba pang drug paraphernalia.


Sasampahan din ng kasong illegal possession of fire arms ang suspek matapos nakunan ito ng isang baril na caliber 45 pistol habang isinasagawa ang operasyon ng mga kapulisan
DZXL558, *Jessie Mendoza *

Facebook Comments