Isa sa mga most wanted person ng MPD Station-14, arestado

Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaki na itinuturing na top 16 most wanted person ng Barbosa Police Station o Manila Police District Station 14.

Nakilala ang nadakip na si Enrique Alzona, 45-anyos at residente ng Padilla Street, sa San Miguel, Manila.

Si Alzona ay naaresto sa mismong barangay hall ng Brgy. 646, Zone-67.


Nabatid na nahaharap si Alzona sa kasong qualified theft.

Ilang linggo rin pinaghahanap ng mga pulis si Alzona hanggang sa masakote ito matapos ikasa ang manhunt operation.

Kusa naman sumama si Alzona pero muling iginiit na nadamay lamang siya sa isinasampang kaso laban sa kaniya.

Facebook Comments