Isa sa mga Most Wanted sa Isabela, Arestado!

185

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 10 Most Wanted Person municipal level sa Brgy. Linglingay, Alicia, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Crisanto Roquero, 39 anyos, may-asawa, drayber at residente ng Brgy. Linglingay, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto si Roquero sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 si Roquero kung saan nasa halagang Php24,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Unang dinala sa himpilan ng PNP Alicia ang akusado bago ipinasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments