Mahigit 100 BHERT sa Santiago City, Sumailalim sa COVID-19 Rapid Test

112

Cauayan City, Isabela-Isinailalim sa rapid test ng Santiago City Health Office ang mahigit 100 miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na kinabibilangan ng Barangay San Andres, Rizal, Salvador, Divisoria, Batal at Mabini sa lungsod.

Ito ay upang matiyak ang kalusugan ng mga frontliners na siyang pangunahing posibleng maapektuhan ng corona virus.


Ayon kay Kagawad Joseph Cortez ng Barangay Mabini, may pangamba rin sila sa kanilang kalusugan sa kabila ng kanilang pagtitiyak na matutugunan ang sitwasyon ng kani-kanilang kabarangay.

Dagdag pa ng opisyal, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho upang masigurong ligtas ang kanilang nasasakupan sa kabila ng banta ng nakamamatay na sakit.

Paalala naman ng opisyal sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na alituntunin para sa kaligtasan ng mga ito.

Facebook Comments