Isa sa mga naimbitahan na umawit sa selebrasyon ng EDSA People Power, ipinaalala na pagkakaisa ang tunay na diwa ng EDSA

Bagamat limot na ng ilan ang diwa ng EDSA People Power Revolution, buo pa rin ang pagtitiwala rito ni Edwin Cando, isa sa mga naimbitahan na umawit sa selebrasyon ng 33rd EDSA People Power Revolution.

Si Cando ay isang Executive Officer ng isang kilalang bangko at sumama noon sa pagsiklab ng mapayapang rebolusyon.

Naniniwala si Cando na dapat gamitin ang kapangyarihan ng magkaisa sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng bansa sa halip na magkahati-hati.


Aniya, dapat isantabi ang pulitika upang magkaisa ang bansa.

Nanawagan si Cando na dapat magtulungan para maiangat ang kabuhayan ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments