Isa sa mga naka-confine sa PGH dahil sa lambanog poisinong, binawian ng buhay

Isa sa mga pasyenteng naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa pagkalason sa lambanog ang binawian ng buhay.

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario,alas kwatro y medya kaninang madaling araw nang bawian ng buhay ang trenta y siete anyos na si Jenard Clerigo dahil sa neurologic complications.

Si Clerigo ay isa sa mga residente ng Rizal,Laguna na isinugod sa PGH dahil sa lambanog poisoning.


Kinumpirma rin ni Dr. Del Rosario na sa ngayon ay nasa 55 na lamang sa mga nalasong pasyente ang nasa pgh matapos  na mapauwi na ang tatlumpung iba pang mga pasyente.

Sa ngayon aniya, nasa 10 ang nasa red zone o kritikal pang kondisyon.

Habang 43 ang nasa yellow zone o nangangailangan ng agarang atensyong medikal at 2 naman sa green zone o non-urgent patients.

May isa rin sa mga pasyente ang patuloy pang isinasailalim sa dialysis dahil sa asido sa kanyang dugo.talang sugatan.

Facebook Comments