Monday, March 16, 2026

Isa sa mga Pinoy repatriates na dumating sa bansa kahapon, paralyzed — DMW

Kinumpirma ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na isa sa mga dumating na Pinoy repatriates kahapon mula Middle East ay naka-stretcher.

Ayon kay Cacdac, paralyzed ang naturang OFW matapos na ma-stroke.

Sa ngayon, naihatid na aniya sa kanilang tahanan ang OFW at patuloy ang medical treatment sa kanya.

Isa namang Filipino nurse ang umalalay sa paralyzed OWWA habang nasa chartered flight sila pauwi ng Pilipinas.

Pinasalamatan naman ng DMW ang UAE Government sa assistance nito sa Pinoy worker na may medical condition.

Facebook Comments