
Pinawalang-sala na sa kasong pagpatay ang isa sa mga suspek na si ‘Maribel’ na unang nasangkot sa pagpatay sa babaeng pulis na si PSMS Diane Marie Mollenido at ang anak nito na si John Ysmael.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), itatrato na bilang ordinaryong testigo o witness si Maribel.
Habang ang ibinasura naman ang kaso laban kay John Mollenido matapos na pagbigyan ng korte ang mosyon nito na alisin ang pangalan niya sa listahan ng respondents.
Samantala, pormal nang isinampa sa tatlong suspek na sina alyas ‘Christian’, ‘Pia Katrina’, at ‘Gil’ ang dalawang bilang ng kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Matapos na lumabas sa imbestigasyon na may prima facie evidence na may reasonable certainty of conviction laban sa kanila.
Tiniyak ng QCPD na makakamit ang hustisya para sa mag-ina at sinisiguro na mananagot ang mga responsable sa krimen.










