
Binigyang parangal ng Philippine Army ang isa sa mga sundalong nagbuwis ng buhay para mailigtas ang iba sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.
Pormal na iprinisenta ng 11th Infantry “Alakdan” Division and Joint Task Force Orion ang watawat at ang Bronze Cross Medal sa maybahay ni Senior Sgt. Windel Sabutas Jr.
Nananatili ang labi ni SSg. Sabuyas sa Camp Arturo T. Enrile ,Malagutay Zamboanga City para sa vigil honors at para sa mga bibisita.
Nakatakda naman itong dalhin sa Lasam, Cagayan para sa kanyang arrival honors at full military honors para alalahanin ang kanyang ipinamalas na katapangan at hindi-makasariling serbisyo.
Facebook Comments










