Isa Pang Suspek sa Kidnap for Ransom, Pinaghahanap Pa Rin ng PNP Region 2

67

Tuguegarao, Cagayan- Pinaghahanap pa rin ng PNP Region 2 ang isa sa apat na suspek sa Kidnap for Ramsom sa lalawigan ng Cagayan na si Eugine Alluvida.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan kay Provincial Director Warren Tolito ng Cagayan Police Provincial Office, hinihintay lamang umano nila na maipalabas ang Warrant Of Arrest ni Alluvida upang tuluyan na itong mahuli.

Aniya, may motibo na ang kanilang hanay kung saan nagtatago si Alluvida.

Kaugnay nito ay patuloy nilang binabantayan ang lalawigan lalo na sa mga pamilyang nakausap ng mga suspek dahil ramdam pa umano nila ang tension sa kanilang lugar.

Dagdag pa aniya, inoobserbahan din nila ang bawat kilos at reaksyon ng kanilang nasasakupan dahil maaari umanong sila ay kabilang sa grupo ng mga suspek.

Inihayag din ni PD Tolito na Ito ang kauna unahang kaso ng Kidnap for Ramsom na naitala sa lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments