SM City Cauayan, Nakipagkaisa sa Earth Hour!

42

Cauayan City- Muling nakipagkaisa ang SM City, Cauayan sa isinagawang Earth Hour kahapon, dakong alas otso hanggang alas nwebe ng gabi, Marso, 24, 2018.

Ang naturang aktibidad ay may temang Connect to Earth na pinangunahan naman nina Cauayan City Councilor Marco Meris at Asst. Mall Manager Larry Santiago.

Sa ibinahaging impormasyon ni Public Relations Manager Kristal Gayle Agbulig ng SM City Cauayan, layunin umano ng naturang mall na magbahagi ng kaalaman sa komyunidad tungkol sa pag-iingat at pagpapahalaga sa kapaligiran upang mabawasan ang paglala ng climate change.

Kasabay ng pakikipagkaisa sa naturang aktibidad ay ang isang oras na pagpatay ng ilaw sa buong Mall at pag-aliw sa mga mall goers sa pamamagitan ng glow in the dark presentation ng handprints, face paints at costumes ng mga kalahok.

Dagdag pa rito, isinusulong din umano ng naturang mall ang solid waste management sa pamamagitan ng mga aktibidad gaya ng trash to cash at tree planting upang makatulong sa ating kapaligiran.

Facebook Comments