ISA SA MGA TOPNOTCHER NA CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT NA TUBONG PANGASINAN, KILALANIN

Mula sa kabuuang 7,376 examinees nakapasa ang 2,239 bilang bagong Certified Public Accountant matapos ngang pormal na ilabas ang Exam Results nito lamang katapusan ng Mayo.
Pinangunahan ito ni Alexander Bandiola Jr. ng University of the Cordilleras na may average rating of 89.50 percent.
Samantala hindi naman nagpahuli ang Pangasinan dahil meron din tayong topnotcher. Nasungkit ni Rosemarie T. Abrigo ang ika 13th place mula sa Unibersidad De Dagupan.

Siya ay nagtapos bilang Summa Cum Laude taong 2022. Madalas ding panalo sa mga contest na nilalahukan gaya ng 1st ONLINE REGIONAL TAX QUIZ BEE.
Bumuhos ng pagbati at naghatid ng inspiration si Rosemarie hindi lang mga taong malalapit sa kanya kundi pati sa mga idol nating nais maging CPA in the future. |ifmnews
Facebook Comments