FARM INPUTS, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA ALAMINOS CITY

Ipinamahagi sa mga magsasaka at mangingisda sa Alaminos City ang mga farm inputs sa isinagawang distribusyon nito sa Barangay Sabangan sa naturang lungsod.
Ang distribusyon na ito ng farm inputs ay sa pangunguna ng City Agriculture Office sa pamumuno ni City Agriculturist Arceli B. Talania.
Ipinahayag naman ng alkalde ng naturang lungsod ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang magsasaka at mangingisda kung saan ang mga ito ang may malaking ambag sa patuloy na progreso ng kanilang pamumuhay.

Nakiisa rin sa aktibidad na ito ang Barangay Sabangan Council at mga miyembro ng Technical Working Group. |ifmnews
Facebook Comments