Naaresto ng Manila Police District (MPD) ang utak sa pagbebenta ng mga pekeng gamot.
Ito ay sa kasagsagan ng nangyaring shortage sa mga gamot sa lagnat sa harap ng pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Ang suspek na si Monique Gamboa, na isang online seller, ay naaresto sa raid sa isang tindahan sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakuha rin mula sa kaniya ang 18,000 na tableta ng pekeng gamot na bioflu, isang kahon ng neozep at dalawang kahon ng rapid test kits na nagkakahalaga ng mahigit P1 million.
Ang suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7394 o Special Law of Counterfeit Drugs, paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 209, at paglabag sa Manila City Ordinance 8331 Omnibus Revenue Code for Operating Without Business Permit.