ISA SA MOST WANTED NG SAN MARIANO, ARESTADO!

146

Hindi na nakapalag ang itinuturing na pang walong most wanted sa bayan ng San Mariano, Isabela dahil sa kasong panggagahasa.

Kinilala ang suspect na si Danny Boy Quines, 41, isang magsasaka at residente ng Barangay Buyasan sa nasabing bayan. Inaresto ng mga tauhan ng PNP San Mariano ang suspect sa pangunguna ni Police Executive Master Sgt. Xavier G Cerina.


Inihain ang warrant of arrest sa suspek na inilabas ni Judge Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela sa kasong rape. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Si Quines ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP San Mariano para sa kaukulang dokumentasyon bago siya ipasakamay sa court of origin para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers