Wanted sa Kasong 6 Counts na Panggagahasa, Huli!

Cauayan City, Isabela- Posibleng mabulok sa kulungan ang isang binata na wanted sa kasong anim (6) na beses na panggagahasa matapos itong maaresto ng mga otoridad pasado ala 1:00 ngayong hapon sa Brgy Silawan Norte, Echague, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Dranreb Ballad, 23 anyos, walang asawa at residente ng Purok 3, Brgy. Silawan Norte, Echague, Isabela.

Si Ballad na itinuturing na Top 9 Most Wanted sa bayan ng San Agustin ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong 6 counts rape.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments