Isa sa nagpakalat ng fake news tungkol sa walk-in vaccination sa Quezon City, nagpakilala na kay Mayor Joy Belmonte

Isang indibidwal na ang lumutang at humingi ng tawad sa lokal na pamahalaan ng Quezon City kaugnay sa pagpapakalat ng fake news na mayroong walk-in vaccination sa lungsod.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na may isang nagpadala sa kanila ng email na humihingi ng sorry at gusto rin daw siyang makausap nang personal.

Ayon kay Belmonte, hindi umano inakala ng babae na kumausap sa kaniya na dadagsain kahapon ang Araneta Center dahil sa Facebook post.


Kaugnay niyan, aalamin din ng alkalde kung posibleng malaking grupo ang nasa likod nito dahil mabilis na kumalat ang nasabing balita.

Sa ngayon, hindi pa raw tiyak kung posibleng may bahid din ng pulitika ang insidente lalo na’t nalalapit na ang 2022 elections.

Facebook Comments